Grave threat and harassment
Complaint
Beverly
Country: Philippines
May tumawag din sa akin sa office ko sa hr department si Noel Santos, Seniour Verifier daw siya sa Phil Daily Tribune kailangan ko daw tawagan siya kasi daw i-publish ang name ko sa diyaryo sa kasong Phil Penal Code 315 stafa daw. Nung nakausap ko siya kailangan ko daw tawagan si Atty Romualdo Reyes sa 09179236399. Magaling manindak itong atty nato meron daw ako kaso na stafa sa hindi pagbabayad ng credit card sa RCBC sabi ko wala akong credit card sa RCBC at wala akong utang dun. Sabi niya 14 years na daw un na hindi ko binabayaran kaya daw ako kinasuhan thru Collectius Phils na nilipat ng RCBC dito. Sabi ko sige puntahan ko ang RCBC para ma-clear ang name ko sa problema na sinasabi niya. Aba sabi nitong Atty Romualdo Reyes wag ko daw puntahan ang RCBC wala na daw ang account ko dun nilipat na daw sa Colectius Phils na siya ang atty. daw. Sabi niya ipa-publish niya ang name ko sa diyaryo damay pa ang aking company kung saan ako nagwo-work. Ang sabi ko sa kanya unfair at kasiraan ng pagkatao ko yang gagawin niya dahil wala nman akong natatanggap ng due process sa kini-claim niyang kaso. Sabi ko sige punta ako kay tulfo at doon pag-usapan ang problema niya. Aba bigla niyang binaba ang phone. Mag-ingat tayo sa taong ito si Atty (daw) Romualdo Reyes at ang kasama nito na si NOEL SANTOS. Wag tayo magpaloko at wag hayaan i-harass tayo sa mga kasalanan na dmo ginawa.
Comments